bitin

April 7, 2010

PSHS-MC Batch 2010
Graduation Song
Ligaw, di alam
Saan dadalhin
Pinagtagpo dahil sa
Tanging galing
..
Dinanas at nasanay
Sa kakaibang buhay
Sa hirap magkasama
Tayo ay dumamay
..
Di alintana
Sa masiglang ngiti
Ating mga problema’y
Unti-unting napawi
Ano ang susunod sa apat na taon?
Malulunod ba sa alaala ng kahapon?
Handa na ba sa darating na hamon?
Maibabalik ba natin ang panahon?
Huwag na tayong mangamba
Tayo’y lumipad
Abutin ang mga tala
Huwag na tayong mangamba
Tayo’y lumipad
Abutin ang mga tala
Naaalala mo ba
Mga sandaling dumaan
Paglubog ng araw
O pagpatak ng ulan
..
Maaalala mo ba
Ang hanging umiihip
At paghulog ng dahong
Naging panaginip
..
Sabay-sabay kumakanta
Habang minamasdan
Tawanan at iyakan
Hindi malilimutan
..
Mahirap isipin at tanggapin
Parang kahapon lang
Unang sulyap, huling tingin, bitin
Ano ang susunod sa apat na taon?
Malulunod ba sa alaala ng kahapon?
Handa na ba sa darating na hamon?
Maibabalik ba natin ang panahon?
Huwag na tayong mangamba
Tayo’y lumipad
Abutin ang mga tala
Huwag na tayong mangamba
Tayo’y lumipad
Abutin
Huling paglipas
Ng ating mga oras
Heto na, Heto na ang wakas
Lagablab sa puso’y
Patuloy na mag-aalab
Kahit maghihiwalay
Ang bukas ay naghihintay
Ano ang susunod sa apat na taon?
Malulunod ba sa alaala ng kahapon?
Handa na ba sa darating na hamon?
Maibabalik ba natin ang panahon?
Huwag na tayong mangamba
Tayo’y lumipad
Abutin ang mga tala
Huwag na tayong mangamba
Tayo’y lumipad
Abutin
Tayo’y lumipad
Abutin ang mga tala
kay labo ng buhay..

Leave a comment