tulang pasalaysay

October 2, 2008

ang kapalaran ko’y bakit ganito?

..

matapos iwan ng minamahal

akala ko’y buhay ay wala nang saysay

pinili niya ang pag-aaral sa ibang bansa

habang ako’y narito, lugmok sa luha

ngunit napagisip-isip, marahil di pa siya

marahil ibang babae ang nakatadhana

datapwat, kung siya na nga, sa huli’y kami pa rin

..

sa ganyang pag-iisip, pinilit magpatuloy

kaya nang makita ang mga kaibigan, hayun

walang nakapansin ng aking dinaramdam

hindi ko inakalang isa pala sa kanila

isa sa aking mga kaibigan ang magdadala

magbubukas ng bagong pinto

sa isang kakaibang dilag ipinakilala

..

siguro ay iyong masasambit

puro babae na lang ang laman ng aking isip

marahil tama ka, siguro’y hindi rin

ang sa akin lamang ay ganito

hindi ba’t bahagi ng lalaki ang magkagusto?

kaya naman ang bagong kilalang dilag

naging bahagi rin ng kwento ng buhay ko

..

matapos na kami’y magkakilala

tuluyan pang kinilala ang isa’t isa

kaming dalawa ay madalas magkausap

halos araw-araw, kami’y nagkakasama

hindi natatapos, hindi nakukumpleto

aking araw nang hindi siya nakikita

di ko namalayang ako’y nahuhulog na

..

may isang araw na di ko malilimutan

sinamahan ko ang isang kaibigan

nakita ko siya, may sinamahan rin

aming mga kaibigan ay magkikita pala

sila’y nagmamahalan, ang naisip ko

pakiramdam ko’y kami’y nasa kasal nila

ako ang kanilang bestman at siya ang maid-of-honor

..

tuluyan na nga akong nahulog sa kanya

di ko mapigilan ang kabang baka malaman niya

paano na? pagkakaibiga’y baka mawasak

isipin mo na lang ang aking naramdaman

nang iniiwasa’y nangyari, dahila’y di alam

ang tanging nasisiguro ko lang

mundo ko’t puso’y napira-pirasong muli

..

bakit kaya ganito ang kapalaran ko?

sa pag-ibig laging sawi, puso’y nasasaktan

siguro’y ang tadhana ay sadyang mapaglaro

at ako ang napili niyang paglaruan

kahit pagod na, pa rin ako’y umaasa

pagkakaibigan nami’y mabuo pa

at ang buhay ko’y maayos pa ni tadhana

ang corny pero yeah..

malabo ang buhay eh..