journey

September 11, 2009

as you search for the pot of gold…

i am here, ready to hold.

buhay, kay labo..

sorbetes

March 14, 2009

nagdaan ang ilang buwan na walang problema

nagpasko, bagong taon, at valentine’s pa

di namalayan nagkukulang na pala

..

sa isang iglap, ang minsa’y naulit

hindi masabi gaano kasakit

sana ay tunay nang naging manhid

..

pilit itinatago ang nararamdaman

ang pinapakita’y pawang kasiyahan

marahil umabot na sa kabaliwan

……

inakalang ang lahat ay sukdulan na

ang mga nangyari, pala’y hindi pa

ang nagsisilbing sandalan, biglang nasira

..

tila unti-unting gumuguho

sa tatlo, isa na lang ang nakatayo

kaya pa kaya hanggang sa dulo?

..

hindi ko na talaga alam

kung ano ang kahihinatnan

ipagbabahala na sa kapalaran

……

buti na lamang, may isa pang natitira

inaasahan na sana’y di magiba

ang tatahaki’y mahaba-haba pa

..

naniniwalang maaayos din sa huli

ang isa ay maitatayong muli

ang isa pa’y mapapalitan ng mas mabuti

..

ngunit marahil ay matatagalan

ngayo’y gusto munang gumaan

ice cream siguro ang kailangan

sadyang malabo ang buhay..

November 25, 2008

sorry.. patawad..

malabo talaga ang buhay..

isang liham para sa iyo

October 4, 2008

kumusta ka na?

maayos ka na ba?

nabalitaan ko

ang sinapit mo

ano ba ang nagyari?

walang sa aki’y makapagsabi

masakit pa ba?

sana nama’y

mga sugat mo

agad maghilom

upang ang lahat

ay bumalik na sa dati

siya nga pala

sana ako’y mapatawad

dahil sa mga oras na ‘yon

nang kailangan mo ng tulong

ako’y nawawala

nasa kung saan man

magsabi ka lang

kung anong kailangan

lahat ng kaya ko

gagawin para makatulong

o, s’ya

magpahinga ka na muna

magpagaling ka ha

ang labo ng buhay diba..

tulang pasalaysay

October 2, 2008

ang kapalaran ko’y bakit ganito?

..

matapos iwan ng minamahal

akala ko’y buhay ay wala nang saysay

pinili niya ang pag-aaral sa ibang bansa

habang ako’y narito, lugmok sa luha

ngunit napagisip-isip, marahil di pa siya

marahil ibang babae ang nakatadhana

datapwat, kung siya na nga, sa huli’y kami pa rin

..

sa ganyang pag-iisip, pinilit magpatuloy

kaya nang makita ang mga kaibigan, hayun

walang nakapansin ng aking dinaramdam

hindi ko inakalang isa pala sa kanila

isa sa aking mga kaibigan ang magdadala

magbubukas ng bagong pinto

sa isang kakaibang dilag ipinakilala

..

siguro ay iyong masasambit

puro babae na lang ang laman ng aking isip

marahil tama ka, siguro’y hindi rin

ang sa akin lamang ay ganito

hindi ba’t bahagi ng lalaki ang magkagusto?

kaya naman ang bagong kilalang dilag

naging bahagi rin ng kwento ng buhay ko

..

matapos na kami’y magkakilala

tuluyan pang kinilala ang isa’t isa

kaming dalawa ay madalas magkausap

halos araw-araw, kami’y nagkakasama

hindi natatapos, hindi nakukumpleto

aking araw nang hindi siya nakikita

di ko namalayang ako’y nahuhulog na

..

may isang araw na di ko malilimutan

sinamahan ko ang isang kaibigan

nakita ko siya, may sinamahan rin

aming mga kaibigan ay magkikita pala

sila’y nagmamahalan, ang naisip ko

pakiramdam ko’y kami’y nasa kasal nila

ako ang kanilang bestman at siya ang maid-of-honor

..

tuluyan na nga akong nahulog sa kanya

di ko mapigilan ang kabang baka malaman niya

paano na? pagkakaibiga’y baka mawasak

isipin mo na lang ang aking naramdaman

nang iniiwasa’y nangyari, dahila’y di alam

ang tanging nasisiguro ko lang

mundo ko’t puso’y napira-pirasong muli

..

bakit kaya ganito ang kapalaran ko?

sa pag-ibig laging sawi, puso’y nasasaktan

siguro’y ang tadhana ay sadyang mapaglaro

at ako ang napili niyang paglaruan

kahit pagod na, pa rin ako’y umaasa

pagkakaibigan nami’y mabuo pa

at ang buhay ko’y maayos pa ni tadhana

ang corny pero yeah..

malabo ang buhay eh..

August 25, 2008

sabayan natin ang kalabuan ng buhay..

August 22, 2008